Nanaginip ako kaninang umaga
Sa panaginip ko, umuwi raw ako sa Katipunan para sunduin si nano. Sabi nung mga kapatid ko, tapos na raw yung bahay na pinapagawa ko - sabi ko naman na hindi pa kasi naayos yung bahay sa cavite. Ang sabi nila, yun daw yung pinapagawa ko sa Katipunan - yung ginagawa ni Tito Totong.
Sa labas, matarik yung hagdan at medyo maraming mga batang nakatambay. Pinaalis ko sila tapos pumasok na ako sa loob. SOBRANG ANG GANDA RAW NUNG LOOB! As in!
Tiled yung floor (medyo reddish) at black/white ang over all theme. May patio. Nakakalat pa yung mga gamit kasi hindi pa siya naayos - may 5 TV, may 3 malalaking ref. Tapos, mga 3 floors ata siya.
Andun yung mga kamag-anak ko - Uncle Phil, Lilay, Tita May, Tito Joel, Ate Abby, Ate Shawie, Ate Lanie. Kausap ko raw si Ate Shawie, sabi ko sa kaniya, sana buhay pa si papa para kasama namin siya. Pareho raw kaming naiiyak kasi very emotional na.
Andun din yung ex ni jayjay - very excited na umakyat at sipatin yung mga kwarto sa taas.
Hindi raw ako makapaniwala na may bahay ako na ganun kaganda.
Meron pa nga run na banners na "we're so happy for you", "congratulations on your new house" at "ang ganda ng bahay mo ate kris!"
Grabe. Hindi ko na-check out yung taas at mga kwarto kasi nagising na ako.
Para talaga siyang totoong-totoo.
No comments:
Post a Comment