anong kanta ang unang nagpaiyak sa iyo?
kanina habang tinatahak ko (well, ng bus) ang kahabaan ng EDSA tinugtog sa rady ang "Old Songs". Natigilan ako nang bahagya at naalala yung unang beses na narinig ko yung kanta.. ako naman ay napaluha nang bongga. Naramdaman ko kasi yung lungkot at pait ng paghihiwalay at yung pangarap na magkabalikan pero wala kang magawa.
Don't get the wrong idea. Nung una kong narinig to, NBSB pako nun. Kaya, in essence, hindi ko dapat maintindihan ang bigat ng pakiramdam na mawalan na ka-relasyon kasi, hindi ko pa naman nararanasan yun (nung time na yun).
Pero dahil sa lyrics at sa pagkakanta... hands-down tearjerker siya.
Ikaw? ano'ng kanta ang nagpaiyak sa iyo?
No comments:
Post a Comment