Friday, August 24, 2007

august entry

this is my first-ever entry for the month of August... (grabe!)
lately kasi, lagi akong nagmamadali na gumawa ng church program - no time to write here.

Lord, sana naman po ay ibigay Mo na sa akin ang hinihiling kong laptop....

Hindi pa ako natutulog mula nang umuwi ako galing work. Napapagod na ako. Minsan (actually, lately, madalas) gusto ko nang sumuko. Nakakapagod na kasi. Ayaw ko namang mag-reklamo, pero nahihirapan na ako. Iniisip ko lang, kapag sumuko ako, maraming tao ang umaasa sa akin. Siguro, kaya binigay sa akin ni God si nano para hindi maging wayward ang klase ng pamumuhay ko. Ok na rin 'yung ganito. Aalis na lang ako sa 'sitwasyon' na ito kapag sinabi na ni God sa akin. Anyway, kaya naman ako nabubuhay dahil sa Kaniya.

Kahapon, nanaginip ako ng 2 panaginip.


(1) Ang setting ay Korea, marunong daw akong mag-Korean (naks!) tapos ang naalala kong ending, pupunta ako sa isang lugar tapos yung lugar na yun may 'story' behind the name. Nanggaling daw yung name nung lugar na yon sa isang 'napakagandang bulaklak'. Although maganda yung bulaklak na yun, meron daw 2 smaller (and of course, mas pangit) na flowers ang nagsasabi/nag-uutos sa kaniya kung paano niya po-protektahan yung sarili niya. After some time, meron daw 2 kids na binunot yung magandang bulaklak. Pinulot daw ng isang lalaki yung bulaklak tapos inilagaan....
when i woke up, i received a message from someone i know- message was "hus dis?"

(2) Nagugutom daw ako and I ended up in a cafeteria - pero hindi ako nakakain kasi merong mga girls na sobrang bully. Yung cafeteria owner happens to be a taxi driver too and since male-late ako pagpasok, sumakay na ako sa taxi niya. And weird part, nakahiga raw ako sa taxi, and to make the long story short, the driver attempted to rape me (which until now gives me goosebumps!), mind you, habang nasa biyahe ito ha! nasira ko raw yung taxi, nakalabas ako tapos raw yung kasunod na car happens to be driven by a policeman. Pinasakay ako nung policeman. Out of nowhere, comes another guy na tinulungan ako (can't remember kung papaano) tapos sumakay din sa car nung policeman. Tinakluban ako ng puting kumot nung guy kasi, hinahabol daw ako ng tingin nung driver. nasa likod ako nung lalaki, him facing the taxi driver - tinatago niya ako from the driver...
weird hindi ba?

ANYWAY, lalayas na ako rito.
-mapapa-print pa ako ng program
-maglilinis pa ako ng church
-bibili pa ako ng bombilya at ikakabit ko pa
-papakainin ko pa si nano
-maglalaba pa ako
-maghuhugas ng pinggan
-magtuturo ng mga bata
at maraming pang iba!

WALANG TUUUULLLUUUGGGAAAANNNNN!!!!