Friday, March 13, 2009

hala ka...

masama ang loob ko sa iyo... hinayaan mo akong nag-iisa... ang sabi mo, babalik ka. nangako ka. pinaniwala mo ako sa mga pangako mo - na wala ka palang balak tuparin. hinayaan mo akong maghintay sa iyo at magmukhang tanga.

hindi ko inisip na magagawa mo sa akin ang mga bagay na iyon... ilang beses mong sinaksak sa utak ko na ako ang may pagkukulang. kung kani-kanino mo sinabi na wala akong kwenta, at nagkwento ka ng masasamang bagay tungkol sa akin. kahit sa blog mo, walang magandang bagay kang isinulat - maliban lamang na "sinasabi" mong mahal mo ako...

tapos, ngayon, malalaman ko na sa lahat ng paghihintay at sa tagal ng panahon na iniisip ko ang mararamdaman mo, iiwanan mo ako at ipagpapalit sa iba...

napapagod pala talaga ang puso. kahit gaano pa kita kamahal, mawawala rin pala. mapapalitan lang ng sama ng loob, ng pait. ang lahat pala ng magagandang alaala, nawawala...

ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin. hindi ko alam kung ano pa ang naging pagkukulang ko para saktan mo ako nang ganito... ngayon mo sabihin sa akin na importante ako sa iyo... sino'ng niloloko mo?! kung importante ako, bakit mo ako iniwanan sa ere? at binalewala ang mga pangako mo sa akin...

nabasa ko yung blog entry mo - ngayon ko masasabi na hindi mo talaga ako minahal. ginawa mo lang akong panakip-butas sa nararamdaman mo para sa kaniya (siya na binigyan mo ng gitara), at ngayong may nahanap ka ng iba, madaling-madali mo akong iniwan...

hala ka...
gusto kong hilingin na huwag kang sumaya (kayong dalawa),,, pero bilang Kristiano, hindi ko hihilingin yun. pero kung ako lang si kristyn, ipapanalangin ko talaga yun. you do not deserve to be happy. YOU ARE SELFISH! hindi ka marunong magmahal at magpahalaga.

masama ang loob ko sa iyo - dahil ikaw ang kahuli-hulihang tao na iniisip ko na gagawa sa akin ng ganun. Ginago mo ako, pinaasa at pinagmukhang tanga.

nabola mo na naman ako nung linggo ng gabi na nag-usap tayo - akala ko, magiging maayos tayo, hindi pala...

antanga-tanga ko. pinaniwala mo ako. at hinayaan ko na naman masaktan itong puso ko. alam mo ang pinagdaanan ko sa buhay, ikaw lang ang sinabihan ko ng mga sikreto ko - sa pag-aakalang ipagtatanggol mo ako, NAGKAMALI AKO.

isa ka sa maraming lalaking nanakit sa akin.

Monday, February 23, 2009

=(

dear God

today i went to see and greet his mom. i was actually thinking (and praying) on whether it is the right thing to do - to visit her or not. I don't want "he-who-must-not-be-named" think that I am using his mom to get him back, or to influence her (the mom) to like me better than the "replacement"...

but after so many sleepless (yes, i was really praying/thinking hard on that) nights and days... i wanted to see her (the mom) even if for the LAST TIME. i wanted to tell her how much i love her, and how much her family means so much to me. how thankful i am (truly grateful) for the love she (and her family) has showered me. for letting me experience (even if for a fleeting moment) that i belong, i am loved and i am important.

but i was not able to tell her how i feel - for her and her family.

i just hope, that someday, someone might read this message and tell MRS ROSIE LADDRAN how i love them so, how important their family is. and how bad it makes me feel just even thinking of the possibility that i may never see her again....

Tuesday, February 17, 2009

....

i am back - half dead, half alive...

inasmuch as i want to say that i am doing pretty good- well, unfortunately I AM NOT. Had i logged in a week earlier or so, i'd probably say everything's fine and ok... not until LAST SATURDAY... when i found out something that broke my heart the nth time.

i know i shouldn't feel like this anymore, but i do. i know that i shouldn't have acted the way i did last sunday night but... well it happened. i feel sad and bad about it.

a few days ago before saturday... i heard this wonderful quote from ONE TREE HILL..
"EVERYDAY YOU WAIT IS ANOTHER DAY YOU'LL NEVER GET BACK AGAIN"

Ang sabi ko pa sa sarili ko, "Is this God's way of telling me that I have to do something? so that in the end, i wouldn't feel any regret at all?" After contemplating, i decided na sasabihin ko sa kaniya na I MISS HIM, I STILL LOVE HIM and I WANT HIM BACK. i would do anything, and everything para maging maayos kami. Even if it means waiting for him. ayoko na kasing maghanap ng iba.

And then saturday. A friend told me nagbigay siya ng teddy bear to some girl. FINALLY sunday came and he told our friends na meron na ngang iba.

I FELT NUMB. and STUPID. Ang pathetic ko talaga. I mean, people (close friends actually) say that he's not even worth it. but here i am - i waited for him for more than a year.. and all of those days went down the drain.

what can i say? masochist nga yata talaga ako,,,

and then i realized the other side of the quote
"EVERYDAY YOU WAIT IS ANOTHER DAY YOU'LL NEVER GET BACK AGAIN"

i will never get back those days that i have waited for him. and yes, sinayang ko ang mga araw thinking if him, how happy we would be kapag bumalik siya sa akin - sinayang ko ang mga sulat na sinulat ko para sa kaniya... sinayang ko ang mga kantang nilikha ko para kantahin sa kaniya kapag naging maayos na ang lahat. sinayang ko ang mga luha, mga dalangin, ang ilang oras na pagluhod na sana maging maayos ang lahat para sa amin.. sinayang ko ang mga pangarap.

next time (kung meron pang darating)
i'll make sure na mahal niya ako at mahal ko rin siya at mahal na mahal namin ang Panginoon. i'll still be waiting for him - the RIGHT person. yung totoong magmamahal sa akin - hindi lang puro pangako at salita.