Friday, October 26, 2012

panaginip

Nanaginip ako kaninang umaga

Sa panaginip ko, umuwi raw ako sa Katipunan para sunduin si nano.  Sabi nung mga kapatid ko, tapos na raw yung bahay na pinapagawa ko - sabi ko naman na hindi pa kasi naayos yung bahay sa cavite.  Ang sabi nila, yun daw yung pinapagawa ko sa Katipunan - yung ginagawa ni Tito Totong.

Sa labas, matarik yung hagdan at medyo maraming mga batang nakatambay.  Pinaalis ko sila tapos pumasok na ako sa loob.  SOBRANG ANG GANDA RAW NUNG LOOB! As in!

Tiled yung floor (medyo reddish) at black/white ang over all theme. May patio.  Nakakalat pa yung mga gamit kasi hindi pa siya naayos - may 5 TV, may 3 malalaking ref.  Tapos, mga 3 floors ata siya.

Andun yung mga kamag-anak ko - Uncle Phil, Lilay, Tita May, Tito Joel, Ate Abby, Ate Shawie, Ate Lanie.  Kausap ko raw si Ate Shawie, sabi ko sa kaniya, sana buhay pa si papa para kasama namin siya.  Pareho raw kaming naiiyak kasi very emotional na.

Andun din yung ex ni jayjay - very excited na umakyat at sipatin yung mga kwarto sa taas.

Hindi raw ako makapaniwala na may bahay ako na ganun kaganda.

Meron pa nga run na banners na "we're so happy for you", "congratulations on your new house" at "ang ganda ng bahay mo ate kris!"

Grabe.  Hindi ko na-check out yung taas at mga kwarto kasi nagising na ako.

Para talaga siyang totoong-totoo. 


Wednesday, October 24, 2012

awiting makabagbag-damdamin

anong kanta ang unang nagpaiyak sa iyo?

kanina habang tinatahak ko (well, ng bus) ang kahabaan ng EDSA tinugtog sa rady ang "Old Songs".  Natigilan ako nang bahagya at naalala yung unang beses na narinig ko yung kanta.. ako naman ay napaluha nang bongga.  Naramdaman ko kasi yung lungkot at pait ng paghihiwalay at yung pangarap na magkabalikan pero wala kang magawa.

Don't get the wrong idea.  Nung una kong narinig to, NBSB pako nun.  Kaya, in essence, hindi ko dapat maintindihan ang bigat ng pakiramdam na mawalan na ka-relasyon kasi, hindi ko pa naman nararanasan yun (nung time na yun).

Pero dahil sa lyrics at sa pagkakanta... hands-down tearjerker siya.

Ikaw? ano'ng kanta ang nagpaiyak sa iyo?

Tuesday, October 23, 2012

MY 2012 CHRISTMAS WISH LIST

Kahit napakawalang-puso ng tax computation ng bansang ito, hindi nito kayang pigilin ang pasko. Nangangarap pa rin ako ng masayang pasko at na sana, matupad ko ang Wishlist na ito.  Ang target date ko ay until February 2013. Sana matupad ko...

1. Harry Potter Book 5 (soft bound)  completed, oct 28
2. Mag-open ng bank account for
     a. myself - BPI naman
     b. nano
     c. jayda
         *si khyle naman kasi, binigay ko na kina ate yung deposit, hindi naman nila in-open ng bank account yung bata
3. Converse shoes
4. Maka-ipon ng 50K before June 2013
5. Mapaayos yung bahay - mapapinturahan at maayos yung kwarto
6. Oracan timba
7. G-chock na relo
8. Mapa-rebond ang buhok (wahahaha)
9. Dalawang blouse pang office
10. Slacks - pang office
11. Black shoes na pang office (yung medyo mahal)
12. Brown shoes na medyo mura
13. Libro ni Lualhati Bautista (yung set)
14. Reading glasses
15. Refrigerator (malaki nang konti)

Sana matupad

Tuesday, October 16, 2012

pagninilay-nilay


Ang buhay napaka-iksi lang talaga. 


Nung namatay ang isang kaibigan kamakailan lang - na halos kasing-edad ko - hindi ko naisip yung kapakanan nung namatay.  Kasi kung tutuusin, tapos na ang paghihirap niya.  Hindi na niya mae-experience ang Cybercrime Law, hindi na siya makakaramdam ng pain, hindi na niya mararanasan ang pagtaas ng bilihin at pagbaba ng sweldo. Ang naalala ko, yung mga anak niya.

Nung namatay tatay ko, pakiramdam ko, katapusan na rin ng mundo.  Kasi, wala na yung haligi ng tahanan namin. Kasi wala na yung source ng strength namin. 

Pero alam mo, yung masakit?  Yung mga taong aabusuhin ka.  Gagamitin ang kawalan mo para sa pansarili nilang karapatan. Yung yuyurakan ang pagkatao mo na kahit durog ka na?

Yung mas masakit? Yung may mga taong nakakakita, pero walang ginagawa!