Monday, February 15, 2016

for you

dear future wife,

please love yourself more.




Thursday, February 11, 2016

of flowers and valentine's

dear future wife,

kung hindi mo pa alam... hindi ako mahilig sa bulaklak. kinikilabutan ako sa ideya na gagastos ka ng sobrang mahal sa isang bagay na mabubulok lang pagkatapos ng ilang araw.

kung iniisip mong bigyan ako ng bulaklak ngayong panahon na ito, please... converse na sapatos na lang. pareho lang naman ng presyo. tatagal pa sa akin ng kung ilang taon.

pero hindi ako magpapaka-ipokrita.

kanina, habang naglalakad ako patungo sa aking opisina... marami-rami akong nakitang mga babaeng may tangang gabundok na rosas sa kanilang mga bisig. may mangilan-ngilang magka-relasyon na naglalambingan sa daan. samu't saring tindahan ang nagsulputan na humihiyaw ng walang kasing-tamis na panunumpa ng pag-ibig at katapatan. sila na ang matamis!

naiinggit ako. oo.

iniisip ko kung ano ang pakiramdam na padalhan ng bulaklak. kinikilig ako. kumbaga, kahangalan ang sabihin na "sayang naman ang pera!" .. sapalagay ko, kung may gagawa sa akin nun - yung bigyan ako ng bulaklak - makakaramdam pa rin ako ng kilig.

oo, alam ko na magulo. ayaw ko, pero kapag iniisip ko na may magbibigay sa akin ng bulaklak (hinid yung recycled a) kikiligin talaga ako.

pero huwag kang mag-alala.

ikaw pa lang ay sapat na.


Monday, February 8, 2016

pagmumuni-muni

ilang beses mo na akong tinalikuran?
ilang beses mo na sinabi ang mga katagang "hanggang dito na lang?"
hindi mo alam kung gaano ako nasaktan
hindi mo alam kung ano ang aking napagdaanan

ilang beses mo pa ako papaasahin?
ilang beses pa ako magpapakatanga sa iyo?
hindi ko maintindinhan ang sarili ko
hindi ko na alam kung bakit ako ganito

sana, mamatay na lang ako
ganun din naman yung pakiramdam nung una mo akong iniwanan

Monday, January 25, 2016

some where, along the way
our paths crossed and life was never the same
well, at least for me, that was how i felt

For You, a Thousand Times Over

I found myself dreaming
In silver and gold
Like a scene from a movie
That every broken heart knows
We were walking on moonlight
And you pulled me close
Split second and you disappeared
And then I was all alone
I woke up in tears
With you by my side
A breath of relief
And I realized
No, we're not promised tomorrow
So I'm gonna love you like I'm gonna lose you
And I'm gonna hold you like I'm saying goodbye
Wherever we're standing
I won't take you for granted
'Cause we'll never know when, when we'll run out of time
So I'm gonna love you like I'm gonna lose you
I'm gonna love you like I'm gonna lose you
In the blink of an eye
Just a whisper of smoke
You could lose everything
The truth is you never know
So I'll kiss you longer baby
Any chance that I get
I'll make the most of the minutes
And love with no regrets
Let's take our time to say what we want
Here's what we got before it's all gone
'Cause no, we're not promised tomorrow
So I'm gonna love you like I'm gonna lose you
I'm gonna hold you like I'm saying goodbye
Wherever we're standing
I won't take you for granted
'Cause we'll never know when, when we'll run out of time
So I'm gonna love you like I'm gonna lose you
I'm gonna love you like I'm gonna lose you
I'm gonna love you like I'm gonna lose you
I'm gonna hold you like I'm saying goodbye
Wherever we're standing
I won't take you for granted
'Cause we'll never know when, when we'll run out of time

So I'm gonna love you like I'm gonna lose you
I'm gonna love you like I'm gonna lose you

Saturday, January 16, 2016

...

maramot
yan ang sinabi mo sa akin kanina
at hindi ko maintindihan, hindi matanggap ng pagkatao ko
na sinabihan mo ako ng ganyan

bakit?
dahil ba binura ko yung COC mo sa telepono ko?
dahil hindi ka maka-attack at nagagalit na yung mga kasama mo sa clan?

mas iniintindi mo pa yung sasabihin nung ka-clan mo
kesa sa nararamdaman ko

sana maging masaya ka riyan sa ginagawa mo.
kasi ako..
sa totoo lang..
hindi.

Monday, November 30, 2015

commissioned poem

dahil mas pinili mo na saktan ako..
dahil sinabi mo na mas mahal mo siya..
dahil mukhang hindi mo naman pinahalagahan kung ano namagitan sa atin..
dahil wala naman talagang "tayo"...

tinatapos ko na ang lahat.
itatago ko na ang mga bakas ng kahapon na pinagsaluhan natin
yung mga balat ng pagkaing binigay mo sa akin
yung pinambalot kong regalo para sa iyo
yung kwadernong ibibigay ko sana sa iyo

kakalimutan ko na ang lahat
yun din naman yung gusto mong gawin
hindi ba?