I never liked Charice Pempengco - for me, she's just one of those singers na mawawala rin in the future. When she landed that spot in Glee (again, never a fan) - sabi ko, ok naman pala itong si Charice ALTHOUGH hindi ko maintindihan kung bakit kahit after na ng glee stint niya, peg pa rin niya ang Sunshine Corazon character niya. Sabi ko, masyado namang in-character si mem....
Hindi ko maintindihan why I never liked her - feeling ko kasi OA. feeling ko, puro promotional lang yung mga ginagawa niya - nagpapansin ba.
And then X-factor came.
Nanonood ako ng X-factor not because of Charice but mainly because na-iintriga ako kung sino yung mananalo Well, first winner X-factor winner to. So, almost always, maganda ang career ng unang mananalo.
Nung una, naiirita ako kay Charice. Yung mga iyak-iyak. Yung kakaibang ayos ng buhok Yung mga comments na sometimes ang dating mayabang.
Tapos, nitong mga huli... sobrang na-aapreciate ko siya kasi ambait niya sa mga "babies" niya sa Xfactor. And I relly admire her courage. Very brilliant din siya when it comes to re-inventing Allen. Lalo na when she said na she will fight for them.
I am appreciating her more
Monday, September 24, 2012
Thursday, September 20, 2012
SULAT
Nuong isang
araw, napagalitan ko ang pamangkin ko (well, lately lagi ko siyang
napapagalitan kasi very destructive na siya).
Lagi kasi siyang nakakasira ng mga gamit na hindi ko maintindihan kung
bakit siya ganun. Tapos may mga
pagkakataon pa na sinaksak niya yung maliit na timba kaya butas na ngayon – tina-try
kong tapalan ng vulca-seal.
Pagpasok
niya, naisipan kong sulatan siya. Kasi,
na-realize ko na sa tagal nang panahon na binubungangaan ko siya hindi naman
nagwo-work.. paano kaya kung sulatan ko siya? Tutal, when I was young (and
actually until now) outlet ko na talaga ang pagsusulat.
So I wrote
him – it was not that lengthy – pero I poured a bit of my heart there. Sabi ko gusto ko siyang intindihin pero hindi
ko alam kung paano pa kaya sinulat ko na lang.
Surprisingly,
he wrote back. And you know what? Nagulat ako sa mga sinulat niya. Ngayon may
idea na ako kung ano ang gagawin.
Thank you
sa kapangyarihan ng pagsusulat!
Wednesday, September 19, 2012
TRENTA
30 years old na ako. (actually magte-31 na in a few months)
Shet... hindi ko namalayan na tatlong dekada na pala ang lumipas mula ng isilang ako ng nanay ko.
Sabi ni mama, binalak daw niya akong i-abort. Binigyan daw siya ng "doktor" ng gamot. Ang sabi nung doktor, kapag hindi siya nawala, ibig sabihin talagang para sa inyo siya.
Nung una kong nalaman na hindi ako talagang gusto ng nanay ko - tsaka lang luminaw ang lahat sa akin. Ah kaya pala I had to fight for their attention... kaya pala...kunsabagay... sabi nga ni mama sa akin, ang hirap kasi ng buhay nuon. tapos, kapapanganak pa lang niya kay ate, biglang nabuntis siya agad. mahirap nga naman na maging working mom (actually pati yata si papa nagtatranaho pa rin nun). Yung katotohanan na hindi ka ginustong ipinanganak - yun bang inihabilin sa "bahala na" ang buhay mo (bahala na kung kakapit siya o hindi)... masakit pala yun ano? kahit 30+ ka na... masakit pa rin. Parang may ga-santol na bara sa lalamunan mo... nangingilid yung luha sa mata mo. Kasi, wala ka pang malay... ayaw na sa iyo ng taong dapat sana po-protekta sa iyo - so pag lumabas ka na sa mundong ito, ano pang ipanghaharang mo sa sakit na dala nila?

Subscribe to:
Posts (Atom)