Monday, February 15, 2016

for you

dear future wife,

please love yourself more.




Thursday, February 11, 2016

of flowers and valentine's

dear future wife,

kung hindi mo pa alam... hindi ako mahilig sa bulaklak. kinikilabutan ako sa ideya na gagastos ka ng sobrang mahal sa isang bagay na mabubulok lang pagkatapos ng ilang araw.

kung iniisip mong bigyan ako ng bulaklak ngayong panahon na ito, please... converse na sapatos na lang. pareho lang naman ng presyo. tatagal pa sa akin ng kung ilang taon.

pero hindi ako magpapaka-ipokrita.

kanina, habang naglalakad ako patungo sa aking opisina... marami-rami akong nakitang mga babaeng may tangang gabundok na rosas sa kanilang mga bisig. may mangilan-ngilang magka-relasyon na naglalambingan sa daan. samu't saring tindahan ang nagsulputan na humihiyaw ng walang kasing-tamis na panunumpa ng pag-ibig at katapatan. sila na ang matamis!

naiinggit ako. oo.

iniisip ko kung ano ang pakiramdam na padalhan ng bulaklak. kinikilig ako. kumbaga, kahangalan ang sabihin na "sayang naman ang pera!" .. sapalagay ko, kung may gagawa sa akin nun - yung bigyan ako ng bulaklak - makakaramdam pa rin ako ng kilig.

oo, alam ko na magulo. ayaw ko, pero kapag iniisip ko na may magbibigay sa akin ng bulaklak (hinid yung recycled a) kikiligin talaga ako.

pero huwag kang mag-alala.

ikaw pa lang ay sapat na.


Monday, February 8, 2016

pagmumuni-muni

ilang beses mo na akong tinalikuran?
ilang beses mo na sinabi ang mga katagang "hanggang dito na lang?"
hindi mo alam kung gaano ako nasaktan
hindi mo alam kung ano ang aking napagdaanan

ilang beses mo pa ako papaasahin?
ilang beses pa ako magpapakatanga sa iyo?
hindi ko maintindinhan ang sarili ko
hindi ko na alam kung bakit ako ganito

sana, mamatay na lang ako
ganun din naman yung pakiramdam nung una mo akong iniwanan