isa na namang buwan ang dumaan sa buhay ko
lately, madalas kong nararamdaman ang hindi maipaliwanag na kakulangan sa buhay ko -- hindi ko kayang i-describe yung ganitong feeling; probably longingness, loneliness, perhaps emptiness...
akala ko, pagkatapos ang unos sa buhay ko, maaayos nang lahat... inisip ko na tapos na ang mga bagay na nagpapabigat ng damdamin ko at nagpapagulo sa isipan ko... hindi pa pala.
minsan, hindi ko na alam kung saan o kung kanino tatakbo. mapapansin ko na lang ang sarili ko na naluluha habang nakasakay sa fx papuntang opisina, o hindi makatulog o madalas hindi makakain...
marami akong gustong marating - lugar, mga pangarap, mga nais gawin - para sa sarili ko. iniisip ko, pag naabot ko na ba ang mga iyon, makakaramdam na nga ba ako ng kasiyahan? o ng kabuuan?
meron bang babasa ng mga ito? meron bang nakakaintindi? meron kayang sasagot at sasabihin sa akin na, "kaibigan, wag kang mag-alala... andito lang ako tyn.."
minsan, ayaw ko nang sumulat dito - kasi para akong nagsusulat sa hangin. ayaw kong isipin na mag-isa talaga ako. pero mukhang ganun yata...
naguguluhan
ako
at
nalulungkot
ang
puso
ko....
=(