nagtititingin-tingin ako ng friendster account ng ilang mga 'kaibigan' at tumambad sa akin ang ilang kakilala na kamakailan lang ay kinasal, may mga iba naman na nagpaplano nang magpakasal. minsan na rin ako nakapunta sa kasal ng isang kasama sa opisina - at sobrang na-overwhelm ako sa ganda ng kasal nila (yung gustung-gusto kong part duon eh yung lahat ng anggulo ng kasal nila at may 'personal touch')...
and of course, ang lagi namang end-efffect nito sa mga single (and graying) na katulad ko eh ang bulong sa sarili na, "when will it be my turn?"
hindi ko naman talaga pinangarap ang engrandeng kasal. sabi ko nga, ok ako sa huwes ikasal (pareho lang naman yun - at the end of the day, kasal na kayo sa mata ng Dios at ng tao!)... aba! kung wala ka namang extra tapos ipapang-utang mo ang pangkasal mo, parang kawawa naman kayong mag-asawa kasi hindi pa naman kayo nakakapagsimula, baon na kayo sa utang. ang sa ajin - kung walang pera na extra, mag-huwes basta sigurado lang na may uuwian kayong bahay na kumpleto ang gamit.
but lately, nag-iba ang ihip ng hangin.
parang ang sarap mangarap ng isang engrandeng kasal - na lahat ng mahal ninyo sa buhay ay sasaksi sa inyong pag-iisang dibdib. yung mga taong in one way or another naging kabahagi ninyo sa inyong relasyon. naiisip ko, higit sa pagpapakilala sa lahat na kayo ay iisa na, ang pagpapakasal ay isang pagpapasalamat sa mga taong naging kaagapay ninyong dalawa - para bang "thanksgiving blowout"...
haaaayyyy..... ang saya siguro nun!
No comments:
Post a Comment