Sunday, August 10, 2008

hopeless romantic...

"kailan ka kaya darating?
magkikita pa ba tayo?
ilang taon pa ba kita hihintayin?"

katulad ba kita na pagdating sa usapin ng puso ay na-uumid ang dila? ikaw ba yung tao na akala ng iba eh, super strong pero pagdating sa pag-ibig eh, tatanga-tanga?! you desperately (shucks, desperada talaga ang lolah!) want to share your life (and what's left in it - coz, ur old already *sigh*), but can't seem to find the "ONE"...

aynako! bakit ba kailangang hintayin yang L%###!!! the ONE na yan... kung pwede naman si "kuwan"? well, good point right? why wait for that ONE when you can meet "kuwan", or how about "phwang" or kung sinu-sino pang -wan???

well, hindi ba you're "worth the wait"? hindi ka ba deserving to be loved by that special someone - yung nga yung "the ONE"...????

sa totoo lang, ang hirap kasing maghintay.... lalo na kapag yung mga tao sa paligid mo, magka-holding hands... may "kasama" sa kahit anong lakad (ultimo pagbili ng suka sa suking sari-sari store!) hindi ba masarap yung idea na at the end of the day, meron kang nilu-look-forward na tinig over the phone? every morning you wake up and see sweet messages na tipo bang mabubulong mo sa sarili mo na, "wow! sarap talaga mabuhay!"? tapos you find yourself smiling kahit wala namang worth smiling for (sa hirap ba naman ng buhay ngayon no!) but you still find your self smiling.... hindi ba nakakakilig na kahit gaano pa kataas ang preseyo ng bigas, you don't worry, as long as may kasalo ka sa pagkain ng mainit na NFA rice at bagong pritong tuyo with suka on the side...?

well, what do you think?
maghihintay ka ba kay ONE or "try" every "wans" that come your way?

No comments: