30 years old na ako. (actually magte-31 na in a few months)
Shet... hindi ko namalayan na tatlong dekada na pala ang lumipas mula ng isilang ako ng nanay ko.
Sabi ni mama, binalak daw niya akong i-abort. Binigyan daw siya ng "doktor" ng gamot. Ang sabi nung doktor, kapag hindi siya nawala, ibig sabihin talagang para sa inyo siya.
Nung una kong nalaman na hindi ako talagang gusto ng nanay ko - tsaka lang luminaw ang lahat sa akin. Ah kaya pala I had to fight for their attention... kaya pala...kunsabagay... sabi nga ni mama sa akin, ang hirap kasi ng buhay nuon. tapos, kapapanganak pa lang niya kay ate, biglang nabuntis siya agad. mahirap nga naman na maging working mom (actually pati yata si papa nagtatranaho pa rin nun). Yung katotohanan na hindi ka ginustong ipinanganak - yun bang inihabilin sa "bahala na" ang buhay mo (bahala na kung kakapit siya o hindi)... masakit pala yun ano? kahit 30+ ka na... masakit pa rin. Parang may ga-santol na bara sa lalamunan mo... nangingilid yung luha sa mata mo. Kasi, wala ka pang malay... ayaw na sa iyo ng taong dapat sana po-protekta sa iyo - so pag lumabas ka na sa mundong ito, ano pang ipanghaharang mo sa sakit na dala nila?
No comments:
Post a Comment