Nuong isang
araw, napagalitan ko ang pamangkin ko (well, lately lagi ko siyang
napapagalitan kasi very destructive na siya).
Lagi kasi siyang nakakasira ng mga gamit na hindi ko maintindihan kung
bakit siya ganun. Tapos may mga
pagkakataon pa na sinaksak niya yung maliit na timba kaya butas na ngayon – tina-try
kong tapalan ng vulca-seal.
Pagpasok
niya, naisipan kong sulatan siya. Kasi,
na-realize ko na sa tagal nang panahon na binubungangaan ko siya hindi naman
nagwo-work.. paano kaya kung sulatan ko siya? Tutal, when I was young (and
actually until now) outlet ko na talaga ang pagsusulat.
So I wrote
him – it was not that lengthy – pero I poured a bit of my heart there. Sabi ko gusto ko siyang intindihin pero hindi
ko alam kung paano pa kaya sinulat ko na lang.
Surprisingly,
he wrote back. And you know what? Nagulat ako sa mga sinulat niya. Ngayon may
idea na ako kung ano ang gagawin.
Thank you
sa kapangyarihan ng pagsusulat!
No comments:
Post a Comment