masama ang loob ko sa iyo... hinayaan mo akong nag-iisa... ang sabi mo, babalik ka. nangako ka. pinaniwala mo ako sa mga pangako mo - na wala ka palang balak tuparin. hinayaan mo akong maghintay sa iyo at magmukhang tanga.
hindi ko inisip na magagawa mo sa akin ang mga bagay na iyon... ilang beses mong sinaksak sa utak ko na ako ang may pagkukulang. kung kani-kanino mo sinabi na wala akong kwenta, at nagkwento ka ng masasamang bagay tungkol sa akin. kahit sa blog mo, walang magandang bagay kang isinulat - maliban lamang na "sinasabi" mong mahal mo ako...
tapos, ngayon, malalaman ko na sa lahat ng paghihintay at sa tagal ng panahon na iniisip ko ang mararamdaman mo, iiwanan mo ako at ipagpapalit sa iba...
napapagod pala talaga ang puso. kahit gaano pa kita kamahal, mawawala rin pala. mapapalitan lang ng sama ng loob, ng pait. ang lahat pala ng magagandang alaala, nawawala...
ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin. hindi ko alam kung ano pa ang naging pagkukulang ko para saktan mo ako nang ganito... ngayon mo sabihin sa akin na importante ako sa iyo... sino'ng niloloko mo?! kung importante ako, bakit mo ako iniwanan sa ere? at binalewala ang mga pangako mo sa akin...
nabasa ko yung blog entry mo - ngayon ko masasabi na hindi mo talaga ako minahal. ginawa mo lang akong panakip-butas sa nararamdaman mo para sa kaniya (siya na binigyan mo ng gitara), at ngayong may nahanap ka ng iba, madaling-madali mo akong iniwan...
hala ka...
gusto kong hilingin na huwag kang sumaya (kayong dalawa),,, pero bilang Kristiano, hindi ko hihilingin yun. pero kung ako lang si kristyn, ipapanalangin ko talaga yun. you do not deserve to be happy. YOU ARE SELFISH! hindi ka marunong magmahal at magpahalaga.
masama ang loob ko sa iyo - dahil ikaw ang kahuli-hulihang tao na iniisip ko na gagawa sa akin ng ganun. Ginago mo ako, pinaasa at pinagmukhang tanga.
nabola mo na naman ako nung linggo ng gabi na nag-usap tayo - akala ko, magiging maayos tayo, hindi pala...
antanga-tanga ko. pinaniwala mo ako. at hinayaan ko na naman masaktan itong puso ko. alam mo ang pinagdaanan ko sa buhay, ikaw lang ang sinabihan ko ng mga sikreto ko - sa pag-aakalang ipagtatanggol mo ako, NAGKAMALI AKO.
isa ka sa maraming lalaking nanakit sa akin.
1 comment:
pasencia kana sa lahat ng ginawa ko... alm kong ndi nito mappawi ang sama ng loob mo na dulot ng masamang ugali ko. pero nais kong malaman mo na hindi ko ginusto ang mga nangyari at kung bakit ko nagawa ang lahat ng iyon?hindi ko alam.isa lang ang alm ko sobrang immature ako.
salamat sa pagmamahal mo kay mama... i'll tell her everything...
mahal na mahal karin ni mama tyn, lagi nya akong pinagsasabihan tungkol sayo pati narin sila ate...
hindi ko sinasadya ang lahat ng ngyare, ndi ko alm kung gaano kalaki ang sama ng loob mo sakin dahil alm kong ndi masusukat iyon at ndi rin masusukat ang pagmamahal na inalay mo sakin.hindi ko naipakita yung pinakamabuti ko para sayo.maraming beses mona narinig mula sakin to pero nais kong muli sambitin I'M SORRY :C .tama tyn ndi ako deserving or worth sa mga ginawa mo. masakit yon pero yun nga siguro ang totoo.
hindi ko alam kung papaano... kung papano ko mabubura ang masasamang alaala dulot ng pagkakamali ko pero halos sa araw araw ang dalangin ko maging ok tayo kahit alm kong malabo na.
ayaw kona makasakit tyn...
salamat sa lhat ha...
mabuti kang tao tyn,
God Bless
Post a Comment