Friday, September 28, 2007

>x((((("> credo <")))))x<

ayokong dumating sa punto na maging routine na lang ang lahat ng gawain ko sa buhay,
ayokong patuloy na lang umagos sa takbo ng mundo...

gusto ko ng isang buhay na well-spent.
gusto ko na ang bawat minuto - bawat segundo ng aking hininga ay makabuluhan - buhay.

hindi ko inaasahan na sa gagawin kong ito - magiging matagumpay ako.
hindi sa lahat ng pagkaataon ako ang nagwawagi.

pero alam ko na sa biyaya ng Dios, kaya ako makakatayo
at magpapatuloy.

iiwanan ko na ang nakaraan.
iiwanan ko na ang mga alaalang hindi naman makakatulong sa aking pagharap sa buhay.
iiwanan ko na rin ang mga pangarap na hindi naman karapat-dapat.

magpapatuloy akong
manampalataya at magtiwala
magmahal at umibig
magsaya at lumuha

LOVE LIKE YOU'VE NEVER BEEN BROKEN

No comments: