minsan, nahihirapan akong ipagmalaki na Kristiyano ako.
paano ba naman, marami akong ugaling "basag" gaya ng sobrang mainitin ang ulo, kulang sa pasensiya, at walang self control (lalo na kapag nagagalit)... kaya nagiging questionable si Christ sa buhay ko...
gusto kong isisi sa iba kung bakit ako nagkakaganito - kasi iniwanan nila ako, hindi nila ako mahal, o kung mahal man eh hindi naman nila ipinapakita o ipinapadama sa akina ang pagmamahal na iyon, at maraming-marami pang puwedeng maging dahilan - pero lahat ng ito ay isisisi ko pa rin sa aking sarili.
napakadali naman kasing sabihin ng mga "nagmamagaling" na tingnan mo ang mga bagay na mayroon ka -- na kung hindi man naibibigay ng isang partikular na 'grupo' ng tao ang pagmamahal at atensiyon na hinahanap mo, at least meron pa namang ibang grupo na nagpaparamdam ng suporta at pang-unawa nila sa iyo. madali LANG sabihin na andiyan naman si God na hindi nang-iwan kahit kailan lalo na kapag nag-iisa ka.... pero ang totoo, naghahanap ka ng actuwal na atensiyon - hindi theoretical.
ang gulu-gulo ng pakiramdam ko ngayon. parang kanina lang, i had a great time during the children's party tapos ngayon, basag na basag ang pakiramdam ko. pakiramdam ko, araw-araw na lang sinusubok ang pasensiya ko, para akong gini-grill at tine-test, na lagi akong nag-uundergo ng persecution - haaaaaayyyy....
tapos, makakarinig ka pa ng 'comment' sa isang taong mas masahol pa ang pag-uugali sa iyo - na para bang siya ay napakagalang sa kaniyang ama eh kapag Sunday nga ng umaga, ni hindi man lang pagbuksan ng pintuan.
naiinis ako.
hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.
naiinis ako kasi
wala na akong peace sa buhay ko.
naiinis ako
kasi lagi na lang akong iniiwanan.
naiinis ako
...kasi wala akong magawa para mabago ang takbo ng buhay ko.
...kasi mahina ang pananampalataya ko
...kasi hindi ko maipadama sa Kaniya na mahal ko Siya
...kasi hindi ako maka-let go sa bitterness na meron ako ngayon
...kasi hindi ko nagawa ang pinakamainam ko sa kaniya during our relationship
naiinis ako
tulungan ninyo ako.
kailangan ko ng tulong...
No comments:
Post a Comment