madalas...
nakakalimot ang isang tao
sa mga bagay na halos bumuo ng kaniyang pagkakakilanlan
ilang taon man ang lumipas
mananatili ang ugong ng nakaraan
na magbabalik
at muling magpapa-pintig ng pusong
matagal na hindi tumibok
magbabalik
ang mga pangarap na makailang-ulit
na nilubog ng kasalukuyan
at tulad ng along muli't-muling hahampas sa dalampasigan
gaya ng minsang awit na nalimutan
ang daluyong ng unang pag-ibig
ay manunumbalik
mas maalab
mas matapang
No comments:
Post a Comment